Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2026

[THE MINDANAO TODAY] 1ST NEURODIVERGENT SUMMIT SA 'PINAS, INILUNSAD

Imahe
Ulat mula sa News Wire ng Manila Star (Balitang Nasyunal) Kasabay ng paggunita ng World Autism Month ngayong Abril ay matagumpay na inilunsad ng Candent Learning Haus (CLH) ang kauna-unahang Neurodivergent Summit sa bansa. Ginanap ito sa makasaysayang St. Cecilia’s Hall ng St. Scholastica’s College sa lungsod Maynila. Ang summit na may temang “Amplifying Neurodivergent Voices: A Summit for Change” ay nagsilbing daan para isulong ang mga konkretong hakbang para sa tunay na inklusyon. Layon nitong bumuo ng lipunan kung saan ang mga neurodivergent na indibidwal ay hindi lamang tinatanggap, kundi aktibong kabahagi ng pangkalahatang komunidad. Tampok sa aktibidad ang pagpapakilala sa programang L.I.F.E.  o Learning Independence from Meaningful Experiences. Isa itong progresibong framework na idinisenyo upang ihanda ang mga kabataang neurodivergent mula sa loob ng silid-aralan patungo sa pagiging malaya at produktibong mamamayan. “We are not simply teaching skills; we are fosteri...